HONG KONG using mabuhay miles

HONGKONG... wow ang galing hehe. Hindi ko akalain makakarating sa Hongkong salamat sa isang kaibigan na nagpahiram mabuhay miles ah este hiningi ko kase para malibre ako sa ticket... August 9, 2009 umalis kami ng pinas. Masaya ang lahat.. Pagdating sa eroplano nagandahan ako kase first time ko makasakay sa international flight. Nakakbyahe na rin naman ako sa eroplano pero domestic Flight lang. PAL ang sinakyan namin syempre mabuhay miles ang gamit ko para maka avail ng ticket kaya PAL (Philippine Airlines) . Sa langit habang umaandar ang eroplano hinainan kami ng mga stewardees ng Masarap na hapunan. ang sarap, yun lang. Pagkalipas ng isang oras tanaw ko na ang HONGKONG... Wow ang ganda asa langit ng ilaw sa gabi ng hongkong parang may apoy na guhit sa ganda hindi ko maexplain kung pano... Pagdating namin ng kaibigan ko sa Airport. Sinundo ako ng Tita ko, na halos di mapatid ang aming kwentuhan, grabe sa labis na kwentuhan nagkamli kami ng sakay ng BUS ibes na A31 nasakay kami sa A41 na di ko naman alam na mali kase sobrang pagkamis namin magtiya heheh.








Nakarating din kami sa Tutuluyan namin.. Tumuloy kami sa Condo unit kung saan yung ibang terminated na OFW ay dun nakatira. Hay ayun matapos ang sobrang excitement sa wakas matutulog na ako sa bayan ng HONGKONG.
















Kinabukasan tumuloy kami sa DISNEY LAND... Hanep, salamat talaga kay LORD... Grabe bait talaga sa akin... Ang ganda talo ang ENCHANTED KINDOM at STAR CITY sa pilipinas....


















/div>





Matapos ang buong maghapon ng pag-iikot at paggala sa buong Disney land.. . Napanood ko ang napakagandang FIRE WORKS na tila sumasayaw kasabay ang tutog... haiz ang ganda talaga..





Kinabukasan...





OCEAN PARK.... haiz ang ganda din hehehe parang panaginip.... matapos ang maghapon nagpaalam na ako sa tita ko dahil uuwi na din ako kinabukasan... parang panaginip pero ok lang yun atlis kahit dalwang araw nakarating akong hongkong... Hindi ito ang magiging huli kundi ito ang simula ng paglipad ko.... Paglipad patungo sa mga pangarap ko... Salamat sa kaibigan ko at sa tita ko...
AT SAKA SA MABUHAY MILES kundi di dahil sa miles di ako makakarating sa HONGKONG.... IKA nga sayang ang miles... heheheeh