Maraming grupo at magkakaibigan sa mundo... Dumadating talaga sa puntong kailangang magpaalam sa isa't isa ang magkakaibigan, sa madaming dahilan... Malungkot lang isipin. Minsan mawawalan nalang ng koneksyon kaya nagkakahiwalay ang magkaibigan, lilipat ng lugar at kung minsan magkakaroon ng ibang kaibigan na maarinng magpabago sa isang tao.
Kung aking iisipin ang dating grupong aking sinasamahan o mga kaibigan laging kasama na ngayun ay may kanya kanya ng kaibigan. Ngayun isang kaibigan ang lilipat ng Lugar at magpapaalam. Maraming Sayo na naging mabuti sa akin at sa lahat ng kaibigan mo. Hindi hindi ko makakalimutan ang mga kabutihang itinuro nya sa akin. Sa mga panahong magkakasama kami madaming bagay siya naituro at nabigyan linaw sa aking pagkatao at lalo kong nakilala ang Panginoon Hesukristo. Sa kabila ng lahat ng aking pagkukulang sa Diyos ipinaunawa nya sa akin kung gaano ako kamahal ng ating Panginoon. Tinulungan nya akong mas makilala ang Panginoon. Hindi man nya ito mabasa, labis ang paghanga ko sa isang katulad nya. Tunay siyang alagad ng Panginoon. Hindi ko man maisalaysay ang lahat ng kabutihan nagawa nya sa akin alam ko na ang Espiritu Santo ang kikilos para pasalamatan siya. Ang pag-alis nya sa bayan ng na kalapit bayan ko ay talagang nagbigay sa akin puso ng lungkot, di man ito makarating sa kanya... Maraming maraming salamat parin.
Ito naman para sa mga kaibigan ko, sa loob ng 4 na taong nakalipas, para sa kaibigang labis kong minahal sa mga kaibigang labis din akong minahal. Minahal nalang pala, huwag na labis.. Ang drama namn nun. ok balik ako sa topic ko. para sa inyo, hindi ko alam kung mababasa nyo ito o hindi man para pa rin ito sa inyo. Hindi ko man kayo nakakasama nanatiling kayo sa puso ko... kailangan lang maging ganito ang mga bagay, sa pag-usad ng mundo madaming nagbabago, masakit man sa akin kailangan kong gawin para makaya ko ang lahat. Mananatiling mahal ko kayo.. Ayaw kong mawala kayo sana maintindihan nyo ako sa panahong ito.. This not means goodbyes, just moving on. Ikaw alam mo kung sino ka, na naging malaking parte ng buhay ko, nagpapasalamat ako sayo, hindi ako galit, hindi ako nalulungkot, totally move on na ako... but things have to be change... mahal na mahal kita alam mo yan up to now... sabi nila hindi ka daw move when you still saying the person na di ka na mahal... Hindi totoo yun... I still love you, you know who you are, but hindi na katulad ng dati, miss uu, mahal, uu din. Pero sa ngayun masaya ako kung nasan ka man ngayun.
Haiz, parang goodbye na nga yata ang panalo, Good friends... Haiz di yata totoo ang friends forever. Hindi ko alam... sabi nila totoo yun pero, Diyos lang ang nakaalam ng lahat... Ika nga ng isang kaibigan ko ipagpasadiyos mo nalang lahat ang lahat lahat para di ka na mag -isip. Kaya ngayun, goodfriends, true friends ano mang friends meron ka don't expect that will be forever, walang forever dito sa mundo ang tanging forever lang ay si God. Enjoy lang ang buhay mo araw araw, may magandang sinsabi din ang isang kaibigan ko, "come wat may" ang isa pa nya sinasabi " i will cross the bridge when i get there". Maganda ngang pananaw ito. Kaya kung may kaibigan ka just enjoy but don't expect for lifetime or forever. Kase siguradong masasaktan ka... heheh masaya na ako dahil nakuha ko ang secret ng buhay.
SECRET OF LIFE
1. enjoy your life daily
2. enjoy working (huwag kang mawawalan ng pera kase ito ang tulay para mabuhay)
3. pahalagahan ang lahat ng blessing
4. ang pinakamahalaga, maniwala ka sa Diyos na may Bukas pa.
Ito ay aking pananaw lang kung may di sang ayun ok lang, tumtanggap ako ng pagkakamali dahil tao lang ako... lahat ay pwede magbago... hindi totoo hindi na pwede magbago ang babaero o lalakero, sgarol, adik, at pinakamasamang tao, lahat ay pwede magbago dahil tuloy tuloy ang buhay... ulti mo ang pinakamabahong at walang pag asang kanal o yung mismong poso negro ay maaring bumango dahil walang imposible sa DIYOS.