Black Nazarene of Quiapo at Pililla, Rizal









Madami akong deboto at manamnampalatayang nakitang sumama nitong huling bisita ng Nazareno ng Quiapo sa Pililla, hindi ko maisplika kung gaanong kadami ang taong pumunta at nakiisa nung araw ng pagdalaw ng nazareno ng quiapo sa pililla. Hindi malugang kayarom ang kapal ng tao sa loob ng simbahan gayundin sa labas ng parokya ni Sta. Maria Magdalena.
Ang mga taong nagsipunta ay nagnanais makapunas at makahalik sa Nazareno. At yung ibang sumama sa prusisyon at hindi mamapantay ay paglalakad ng walang sapin sa paa upang maipakita nila ang kanilang tunay na pag-ibig sa itim na Nazareno.
Dahil sa pagdalaw na yun ng Nazareno ang mga karatig bayan ng Pililla ay nagsipagpunta upang makiisa rin. Halos lahat ay humiling ng kagaling at kapayapaan ng kalooban. Ang mga dating di nagsisimba ay muling umapak sa patio at loob ng simbahan upang masilay ang Itim na Nazareno.

Ang malaking pangyayaring ito ay di malilimutan ng mga taga Pililla at mga karatig bayan nito sapagakat ang pagdalaw ng itim ng Nazareno ng Quiapo ay isang malaking biyaya para sa mga Deboto nito, di lang sa bayan ng Pililla kundi sa karatig bayan nito.


Malaking pagpapala ito sa akin at sa iba pang naniniwala at nagmamahal sa ITIM NA NAZARENO NG QUIAPO. Sana'y maging simbulo ito ng tunay at walang hanggang pananampalataya natin sa IGLESIA KATOLIKA.

Ayun nga kay Rev. Fr. Reynante U. Tolentino, ang pagdalaw ng Itim na Nazareno ng Quiapo ay isang hamon para sa atin lahat, hamon na patatagin at pag-ibayuhin ang ating pananampalataya sa Diyos.