Ang hirap pala sa buhay ang mawalan, pero minsan tama lang mangyari sa isang tao ang mga bagay na ito upang matuto at makaya ang lahat. Minsan dahil sa hirap at sakit ng nadarama mo nais mong ng mawala sa sarili mo at bumitaw sa mundo.
Lalo lalo na kung ang mawawala sayo ang pinakamamahal mo sa mundo, parang di mo kakayanin, napakasakit na sobrang sakit. Parang isang Virus na kakainin ang buo mong pagkatao. Manghihina ka, manlulumo ka, manliliit ka. Hindi mo kayang kumilos na para kang lumpo at basag na baso na di na pwedeng pagdikitdikitin. Parang hindi mo maipaliwanag ang nangyayari. Gusto mong sumigaw na walang nakakarinig, gusto umiyak na walang nakakakita, gusto mong magwala ng walang masasaktan, at gusto mong ibalik ang dating buhay na iyong kinasanayan. Ang sakit na nadama ko ay hindi matutubasan ng sugat sa katawan, sugat na makukuha ng gamot at pagkalaon ay mawawala ito. Ito'y napasakit na talo pa ang sugat na sinaksak ka ng tatlo beses. Ito'y matindi pa sa Cancer at ang pinakamalalang sakit noong panahon na Kentong. Ito'y sakit ng buong pagkatao ko na dinurog ng taong pinakamamahal ko. Ngunit di ko magawang magalit o magtanim ng sama ng loob pagkat naging buhay ko sya at sandalan. Naging lakas ko sya at katwiran. Kaya noong ako'y iwan niya parang di ko alam kung saan magsisimula. Anong kulang, anong bang nagawa ko, o anong tunay na dahilan na nagpapabigat sa puso ko dahil hindi ko matatanggap na wala na sa buhay ko ang taong pinakamamahal ko. Taong nagbigay sa akin ng ligaya at saya sa tuwina. Hanggang ngayun parang gusto kong umasa, gusto kong ilagay sa utak ko na di sya na wala. Mahal ko siya higit sa sarili ko, ngunit sa sakit na aking nadama, sa ilang araw o sususnod pang sakit na aking madadama baka unti unti maglaho ang pag-ibig at pagmamahal na alay lamang para sa kanya. Ramdam ko na may iba o ano man kung sino man sya, kilala ko man o hindi, unti unti ko ng natatanggap ang realidad na kinatatakutan ko na di talaga kami para sa isa't isa.
Ako pa rin ay umaasa na muling magbabalik ang pinakamamahal kong tao sapagkat kung di sya magbalik sa panahon ng aking paghilom tunay na magbabago ang taong sinugatan at nasakatan. Wala akong ibang hanggan para sa amin, kundi ang tunay na pag-ibig at wala ng iba pa.
Ito isang damdamin lamang alay sa mga taong tulad ko sa mundo. Sa pagwawakas ng istorya ay may bagong simula akong dapat lakaran at tahakin dahil ang buhay ay di simple at huwag din gawing komplikado upang maging maligaya at maging masaya na aking inaasam. Ang tunay na ligaya ay nasa pag-ibig. Pag-ibig lamang ang tunay na ligaya.