Minsan ng buhay
Minsan ang tingin mo sa sarili ay maliit ka at di mo kayang marating ang rurok ng tagumpay. Minsan kala mo tapos na, minsan kailangan mong unawain ang mga bagay bagay. Minsan tanong mo sa sarili ano bang kulang mo o anong meron ka na wala ako. Hindi mo na nga minsan kilala ang sarili mo dahil lagi kang nagtatangon anong kulang o anong kailangan. Tama bang isipin may kulang o may kailangan pa upang umayos ang bawat isa sa mundo. O kailangan na lamang makibit balika't upang maunawaan mo ang bawat pangyayari, na alam mo sa sarili mo na parang di tama. Minsan naisip mo na wakasan ang bawat minuto ngunit ika nga sa entablado "The show must go on." Minsan ganito talaga ang pakiramdam kung lagi nagtataka. Lagi may minsan sa bawat istorya na nais mo tigilan o pigilan o kalimutan ang minsan iyun kinayayamutan. Hindi man mabatid kung anong akin nais iparatin tanging ako lang ang nakakaunawa. Minsan kase kailangan unawain ang bawat taludtod ng pangungusap bawat salita na nais iparating upang minsan naman ay maunawaan mo ang minsan ng buhay.
Subscribe to:
Posts (Atom)