HONG KONG using mabuhay miles

HONGKONG... wow ang galing hehe. Hindi ko akalain makakarating sa Hongkong salamat sa isang kaibigan na nagpahiram mabuhay miles ah este hiningi ko kase para malibre ako sa ticket... August 9, 2009 umalis kami ng pinas. Masaya ang lahat.. Pagdating sa eroplano nagandahan ako kase first time ko makasakay sa international flight. Nakakbyahe na rin naman ako sa eroplano pero domestic Flight lang. PAL ang sinakyan namin syempre mabuhay miles ang gamit ko para maka avail ng ticket kaya PAL (Philippine Airlines) . Sa langit habang umaandar ang eroplano hinainan kami ng mga stewardees ng Masarap na hapunan. ang sarap, yun lang. Pagkalipas ng isang oras tanaw ko na ang HONGKONG... Wow ang ganda asa langit ng ilaw sa gabi ng hongkong parang may apoy na guhit sa ganda hindi ko maexplain kung pano... Pagdating namin ng kaibigan ko sa Airport. Sinundo ako ng Tita ko, na halos di mapatid ang aming kwentuhan, grabe sa labis na kwentuhan nagkamli kami ng sakay ng BUS ibes na A31 nasakay kami sa A41 na di ko naman alam na mali kase sobrang pagkamis namin magtiya heheh.








Nakarating din kami sa Tutuluyan namin.. Tumuloy kami sa Condo unit kung saan yung ibang terminated na OFW ay dun nakatira. Hay ayun matapos ang sobrang excitement sa wakas matutulog na ako sa bayan ng HONGKONG.
















Kinabukasan tumuloy kami sa DISNEY LAND... Hanep, salamat talaga kay LORD... Grabe bait talaga sa akin... Ang ganda talo ang ENCHANTED KINDOM at STAR CITY sa pilipinas....


















/div>





Matapos ang buong maghapon ng pag-iikot at paggala sa buong Disney land.. . Napanood ko ang napakagandang FIRE WORKS na tila sumasayaw kasabay ang tutog... haiz ang ganda talaga..





Kinabukasan...





OCEAN PARK.... haiz ang ganda din hehehe parang panaginip.... matapos ang maghapon nagpaalam na ako sa tita ko dahil uuwi na din ako kinabukasan... parang panaginip pero ok lang yun atlis kahit dalwang araw nakarating akong hongkong... Hindi ito ang magiging huli kundi ito ang simula ng paglipad ko.... Paglipad patungo sa mga pangarap ko... Salamat sa kaibigan ko at sa tita ko...
AT SAKA SA MABUHAY MILES kundi di dahil sa miles di ako makakarating sa HONGKONG.... IKA nga sayang ang miles... heheheeh

MADAMING PINAGDAANAN

Sa buhay natin marami tayong pinagadaanan, may masaya at malungkot.. Marami ng nagdadaan at nitong mga nakalipas na buwan madami akong natutunan. Madaming pananaw at paniniwala akong natukalasan...
Nasaktan at muling bumabangon, ngayun masasabi kong masaya ako. Marahil nagkaroon ako ng aral na masasabi kong napakaganda aral na magiging pamantayan ko habang ako'y nabubuhay. Patnubay sa aking pag-unlad... Naging msakit man nung unang tanggapin, tama sila ang aking mga kaibigan na lilipas din ang pakiramdam pero ang pagmamahal ay mananatiling nandun pa rin. Iba ang naidudulot na labis na pagmamahal.. Ang lahat ng labis ay masama ika nga ng matatanda.. Hindi na ako ngayun natatakot para sa bukas ko. Hindi ko man masabing mabuting tao ako ngayun, pero masasabi ko na ngayun na kilala ko na ang sarili ko at kaya ko ng harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay ko. Hindi na ako natatakot na harapin ang pag subok ng buhay na nag-iisa... Natuklasan ko na paggising sa umaga ay panibagong simula at pagdating ng gabi tapos na ang buong maghapon ksama ang pagsubok nito...
Sa lahat ng natutunan ko, ang tanging masasabi ko ay ang nasa itaas lang ang tanging nagbigay ng tunay na pagmamahal sa akin, hindi ko man maipaliwanag ng maayos.. Dadating din sa buhay nyo ito at mararamdaman nyo din ang aking naramdam.. Magulo man ang aking salaysay alam ko mauunawan nyo rin ito pagdating na umibig kayo...
Sa mga nagmamahal at minamahal magpasalamat kayo sa Diyos dahil naramdaman nyo ito at madami kayo tayo matutunan sa mundo kapag marunong ka ng magmahal at alam mo ng labanan ang sakit na dulot ng pagmamahal..
Tama ang isang kaibigan ko na ang pagmamahal ay isang magandang bagay na binigay ng Diyos sa ating mga tao. Gamitin natin ito sa pagpapaunlad ng ating buhay... Piliin natin ang buhay at hwag mawalan ng pag-asa...
Sa Tuwing ako'y gigising ang lagi kong sinsabi " Panginoon salamat sa panibagong pagsubok na aking kakaharapin" sa gabi naman bago matulog ito ang aking sabit sa kanya, " Salamat at matutulog na ako, sana kung di man ako magising ingatan nyo lahat ng mahal ko.

Ang pag-ibig ay mahiwaga ito ang dahilan ng lahat lahat ng nasa mundo at kalawakan.
LOVE IS THE REASON OF ALL THINGS...