KALABAN NG KALUNGKUTAN

Masayang ibahagi ang kasiyahang naramdaman ko matapos malagpas ang lungkot na dulot ng matinding pagkalumo. Hindi ko mapaliwanag ang aking pinagdaanan na ang tanging ang Diyos ang nakakaalam, isa lang ang masasabi kong aking natutunan. Na ang buhay ay isang malaking palaisipan na di mo dapat masyadung isipin, sapagkat lahat ito ay may dahilan na dapat natin alamin. Lalim ba?

Matapos kong pagdaanan ang bigat ng pagkabigo ngayun ay muling nabuo dahil sa pangarap na aking binuo... Huwag mawalan ng pag-asa kung ikaw ay nawala, nariyan ang kamay ng Panginoon at aalalayan ka. Kung di mo man madama ang kamay at ika'y nawalan ng malay, siguradong bubuhatin ka Niya sa tamang landas, kung sa muling pag-gising mo at nais mo ng kasama may nakalaan sayo na naghihintay.

Kung may nagsara at ikaw ay di pinapasok, may ibang pinto na magbubukas sayo, manalig lamang at mala'y mo dahil pagsara ng pintong ito at ikaw ay nasa labas, matutunan mong maging matatag sa bagyong iyong susuungin. Ngunit di ka papabayaan ng Diyos na nasa labas ka pabubuksan ka at ikaw ay patutluyin.

Ang kalungkutan at napag-aaralan, emosyon lang yan, Huwag kang matakot na ikaw ay masaktan. Ulti mo ang sakit ay namamanipula, minsan sa sobrang sakit namamanhid ka na. Pag dumatin sa puntong manhid ka na, doon mo masasabing napaglabanan mo ang kalungkutan at ikaw ay naging matatag sa dating IKAW!